Lunes, Abril 20, 2015

Pagsubok

            Dito sa mundong ibabaw ay walang perpektong buhay,kahit mahirap o mayaman ay may nararanasan pagsubok sa buhay.Ang pagsubok na ito ay hindi natin mahihindian at hindi natin kailangan takasan dapat hinaharap natin,sabay sa pag harap natin ang matoto at maging matataga sa sarili.Nasa atin kung paano ito dadalhin at paano natin malulutas yung mga dumadating satin problema.

Biyernes, Abril 17, 2015

Siya na nga ba?

Habang pinapanood ko ang papalubong na araw bigla akong napa isip at tinanong ko sarili ko sya na nga ba?Sabe ng utak ko ano ba ang sinasabe ng puso mo?Ang sabe nito "oo sya na kasi sya lang ang gusto ng puso ko",sumagot ang utak basta ako kung ano ikakaligaya ng puso mo susuportahan kita.pero sa ngayon huwag muna tayo makampanti kung ano ang gusto ng puso mo kasi hindi natin hawak ang kapalaran.Ang dapat mo gawin ay maging handa sa kahit anong mangyayari para pag dumating man ito ay hindi ka gaano masasaktan.

Martes, Abril 14, 2015

Anak

        Marami mga anak ngayon hindi pinapahalagahan ang pagmamahal ng mga magulang nila .Sila pa ang may ganang magalit pag hindi nasusunod ang mga gusto nila.Alam nyo ba masuwerte kayo kasi kasama nyo mga magulang nyo,samantalang yung iba malayo sa magulang nila.Hindi lahat ng uras ay kasama mo yung magulang mo kaya pahalagahan mo sila.Isipin mo kung wala sila wala ka ditto sa mundong ibabaw.Ginagawa nila lahat para mapag aral kayo pero anung ginagawa nyo.Oo minsan napapagalitan tayo pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na nila tayo mahal.At hindi sila satin galit,nagagalit sila sa ginagawa natin kasalanan dahil ayaw nila mapahamak tayo.Kaya tayong mga anak mahalin natin sila at suklian yong pagtitiyaga nila satin.

Hindi hadlang ang kahirapan

          Marami kabataan ngayon ang hindi nakakapag aral dahil sa kahirapan,pero hindi dahilan ang kahirapan para hindi matupad ang ating    mga pangarap.Hindi ibig sabihin na pinanganak tayo mahirap ay habang buhay na tayong mahirap.Sa mga katulad natin mahihirap ay kailangan ng tiyaga,pwede tayo makapag aral na kunti lang ang gastos,marami scholarship ngayon ang kailangan lang ay pagbutihin ang pag aaral,at pwede din mag working student.Kung gugustohin talaga natin ay walang imposible lahat ay may paraan.
         Pwede din tayo mag aral sa TESDA para maka graduate agad tayo tapos magtrabaho tayo para maipagpatuloy natin ito four years.Walang masama mangarap dapat  may gagawin tayo paraan para matupad natin ito.
        Ang kahirapan ay hindi hadlang kaligayan natin basta sama-sama yung pamilya natin walang dahilan para sukuan natin ang kahirapan,dahil ang pamilya ay tunay na kayamanan walang kahit ano ang makakatumbas nito.

Lunes, Abril 13, 2015

Hugot pa More

               Walang pinipili ang love ito ay kusang dumadating sa buhay natin,at pagdumating ito ay hindi natin matatangihan.Oo  masarap mag mahal  pero kadalasan ang kapalit nito ay sakit.Pero kung dumating yung point na ito sayo,huwag mo gaano damdamin dahil ibig sabihin nilayo ka lang ni God sa taong hindi karapat dapat sa pagmamahal mo.Palagi mo iisipin na may mas pa sakanya  na makikilala mo,kung napasaya ka nya paano pa kaya pag nahanap mo yung taong para sayo.Basta ang importante pagmagmahal tayo ay magtira sa sarili,huwag natin ibibigay lahat para hindi tayo ang kawalan kundi sila ang kawalan.

Biyernes, Abril 10, 2015

Pagpasok sa isang relasyon

Mahirap pumasok sa isang relayon dahil ito ay malaking responsibilidad,kaya ang masasabe ko lang,once na papasok kayo sa isang relasyon hindi lang isang beses nyo pag iisipan kundi maraming beses,para sa huli ay  wala kayo pagsisihan .At isa pa,yung mga nanlilagaw sainyo ay  inyong kilalanin huwag kayo magpapadala sa mga mabubulaklak na mga salita.Kailangan,huwag muna ninyo ibibigay ang matamis na oo medyo pahirapan nyo muna dapat,buwan o taon ang bibilangin sa panliligaw nila para makita mo talaga kung seryoso ito sayo. Naniniwala ako sa kasabihan "kaya matagal mag paligaw ang mga babaeng seryoso sa kasi alam nilang mainipin ang mga lalaking manloloko," tama diba. Walang masama sa pagkakaroon ng bf\gf as long as nasa tama at kaya mong i handle and you need limitation. Ex. nagaaral pa kayo para saken , Ok lang magkaroon ng  bf\gf para may insperasyon ka sa pag-aaral, pero huwag mung kkalimutan na priority paren yung pag-aaral. Pero kung ang pag pasok sa isang relasyon ang makakasira sa pag-aaral yun ang hindi tama, kaya pag ganun ang sitwasyun nyo lubayan nyo at hindi tama dahil mas importante ang kinabukasan. 

Buhay Estudyante

Nung high school  ako hindi ko pinagbuti yung pag  aaral ko kasi akala  ko nun na talaga ako mahina sa klase.Kaya nung nagdisisyon ako na mag aral ng kolehiyo ay kinakabahan ako kasi baka yung mga grade ko ay mababa.Nung nagsimula na ako mag aral ng kolehiyo unti unti ko napatunayan na mali pala yung mga pananaw ko nung high school.Ang pagiging matalino  pala ay naka depende sa ating mga sarili kaya ang ginawa ko nilabanan ko yung pagiging tamad ko sa pag review.Pag uwi ko ng bahay galing sa school ay nag rereview ako at gumagawa ng assignment.Simula noon sa bawat quiz at exam ay nakakapasa ako,kaya bawat pagtatapos ng semester ay sa awa ng Panginoon ay matataas ang nakukuha ko.At higit natin,dahil ito ay daan para matupad natin yung mga pangarap natin.Pagpinagbuti natin yung ating pag aaral ay sa atin din ito mapupunta at makikinabang.ang pag aaral ito ang pamana satin ng ating mga magulang na kahit kalian ay hindi nawawala.Kaya pag nakatapos tayo ang kanilang mga anak ay  masayang masaya an gating mga magulang.

   Kaya kayo  mga mag aaral anu pa hinihintay nyo labanan ang inyong katamaran at simulan ang kasipagan sa pag aaral paraq pag dating ng exam hindi kayo naka nganga,dahil sisiw lang ang test nyo basta kayo ay ng review.